Kaunting Paglirip sa Awitin ni Andrea Wjik Sa pag-usbong ng makabagong panahon, hindi maipagkakailang malaki rin ang nagbago sa kultura ng ating mundo lalong-lalo na pagdating sa usapin ng sekswalidad o kasarian ng bawat indibidwal na ating nakasasalamuha. Pilitin man nating manatili sa tradisyunal na pamamaraan o nakasanayan subalit pagbabago’y hindi maaaring iwasan. Hindi man kasalukuyang buong tinatanggap sa lipunan ang pananaw ng paglihis sa nakaraang ito, partikular na ang paglantad ng komunidad na LGBTQ, ngunit panahon na rin mismo ang nag-uudyok upang simulang payabungin ang kanilang karapatan bilang tao, isulong ang bahagharing watawat sa bawat sulok ng ating bayan sapagkat sila’y may damdamin din, isip, at kakayahang umunawa. Sa loob ng mahabang panahon, nanatiling tahimik, nakatago sa isang kloseta, at puno ng pangungutya ang kanilang kasarian. Walang pasubaling bunga nito ang mababang pagtingin sa kanila ng lipunan, takot sa kanilang sarili na husgaha’t masaktan ng mata