"SARILING WIKA'Y PAGTIBAYIN SAPAGKAT ITO ANG ATING PAGKAKAKILANLAN" - AKO AY GURO SA FILIPINO. IPINAGMAMALAKI KO ANG AKING PROPESYON AT PAGIGING LAHING KAYUMANGGI SAAN MANG DAKO NG MUNDO. GURO PARA SA BATA AT PARA SA BAYAN."
'Di ko alam kung paano ako iginiya ng tadhana Patungo sa yungib na ako ay nalulula Na kung anong sarap nito sa panlasa't pandama Ay siya ring kasingpait, kayhirap kumawala Panandaliang saya't ligayang walang katulad Pagsisisi'y kapalit pagkat 'di nararapat sa patawad Pagkatapos mapuno ng pagkalugod ang katawan Puso'y pinipigsa ng dusa, konsensya't, kadiliman Kay lalim ng aking binagsakan Tila kutitap ng alitaptap, ang liwanag sa kalangitan Binalot ng anino aking buong kapaligiran Gaano man kalakas ang sinag hindi pa rin ito naaarawan Mahigpit na nakakadena't, sarili'y pinandirihan Nakagapos sa ideyang, ito ba'y kasuklam-suklam? Dahil sa tunay na kaligayaha'y nabulag nang di inasam Subalit, pilit na iniaangat kinasasadlakang kasarinlan Kinukumbinsi ang sariling madadaig din Mula sa pagkatuyo ng naturang panahon at dahon Sa pagkauhaw't tigang na hiyawan ng laman Ngunit, hindi sapat upang mapanatag nang tuluyan Gaano ba ako ngayon ka-makasal
Kaunting Paglirip sa Awitin ni Andrea Wjik Sa pag-usbong ng makabagong panahon, hindi maipagkakailang malaki rin ang nagbago sa kultura ng ating mundo lalong-lalo na pagdating sa usapin ng sekswalidad o kasarian ng bawat indibidwal na ating nakasasalamuha. Pilitin man nating manatili sa tradisyunal na pamamaraan o nakasanayan subalit pagbabago’y hindi maaaring iwasan. Hindi man kasalukuyang buong tinatanggap sa lipunan ang pananaw ng paglihis sa nakaraang ito, partikular na ang paglantad ng komunidad na LGBTQ, ngunit panahon na rin mismo ang nag-uudyok upang simulang payabungin ang kanilang karapatan bilang tao, isulong ang bahagharing watawat sa bawat sulok ng ating bayan sapagkat sila’y may damdamin din, isip, at kakayahang umunawa. Sa loob ng mahabang panahon, nanatiling tahimik, nakatago sa isang kloseta, at puno ng pangungutya ang kanilang kasarian. Walang pasubaling bunga nito ang mababang pagtingin sa kanila ng lipunan, takot sa kanilang sarili na husgaha’t masaktan ng mata
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento