Mga Post

AKO'Y MALIKHAIN - SULAT KO'Y MAKASAYSAYA'T MADAMDAMIN

Imahe
 

YUNGIB NG PATIBONG (ISYU NG KABATAAN)

Imahe
'Di ko alam kung paano ako iginiya ng tadhana Patungo sa yungib na ako ay nalulula Na kung anong sarap nito sa panlasa't pandama Ay siya ring kasingpait, kayhirap kumawala Panandaliang saya't ligayang walang katulad Pagsisisi'y kapalit pagkat 'di nararapat sa patawad Pagkatapos mapuno ng pagkalugod ang katawan Puso'y pinipigsa ng dusa, konsensya't, kadiliman Kay lalim ng aking binagsakan Tila kutitap ng alitaptap, ang liwanag sa kalangitan Binalot ng anino aking buong kapaligiran Gaano man kalakas ang sinag hindi pa rin ito naaarawan Mahigpit na nakakadena't, sarili'y pinandirihan Nakagapos sa ideyang, ito ba'y kasuklam-suklam? Dahil sa tunay na kaligayaha'y nabulag nang di inasam Subalit, pilit na iniaangat kinasasadlakang kasarinlan Kinukumbinsi ang sariling madadaig din Mula sa pagkatuyo ng naturang panahon at dahon Sa pagkauhaw't tigang na hiyawan ng laman Ngunit, hindi sapat upang mapanatag nang tuluyan Gaano ba ako ngayon ka-makasal